8:52 pm
“Hi. Ninang Justee.” Sabay mano. Na
sasagutin ko naman ng “Nye! Hindi kita inaanak noh?!” E kasi, di ko naman
talaga sya inaanak. Yung kapatid niyang babae ang inaanak ko.
Yan si
Nognog. Oo, maitim kasi sya kaya yun ang tawag namin sa kanya. Sa batang edad
nya na 9 taon, kita na ang kanyang pag ka bading.
“Ay bading!”
Yun ang lagi kong biro sa kanya. Na sasagutin naman niya ng oo.
Kapitbahay
namin sila noon sa dati naming tinitirhan. Halos sa amin na sya lumaki dahil
wala ng bata sa pamilya namin noon. Siya at ang kapatid niyang si Wititay ay
para ng myembro ng pamilya namin. Maaga pa lang ay andun na silang mgkapatid sa
bahay. Madalas ay duon na rin kumakain.
Pero mula ng
lumipat kami sa Jhocson (1997) madalang na namin silang napagkikikita. Lalo na
noong maghiwalay na ang mga magulang nya.
Sabi nila,
napabayaan daw si Nognog. Pinagpasa-pasahan silang magkakapatid. Minsan sa
nanay, minsan sa tatay. Minsan ng-aaral, kadalasan hindi. Walang nakakaalam
kung nakakakain pa sila sa tamang oras. Naaalala ko pa noong baby pa si Nognog,
ang taba taba niya. Nakakagiliw na bata. Pero noong huli ko syang nakita,
sobrang payat na.
My sakit sa
puso si Nognog. Isa siyang Blue Baby - Meron syang Congenital Heart Disease na
medically known as Tetralogy of Fallot. Hindi ko na ieexplain, definitely
online kayo so, search nyo na lang sa Google or kung magkauri naman ang dugong
dumadaloy sa atin, basahin nyo na lang yung TOF sa Guyton or sa Robbins.
(Yaman! May Robbins!)
Sabi nila
napabayaan nga daw si Nognog. Di nabigyan pansin ang sakit sa puso. Binale
wala. Bigla na lang hinihimatay. Namumutla. At noong kailan lang, nakarating
sa amin na hindi na nga raw nakakakilos si Nognog. Ngayon, wala na si Nognog.
Kasi daw, napabayaan.
Napabayaan.
Pero paano nga ba natin masasabi na napabayaan ng isang ina ang anak
nya?
Kapag ba ngtatrabaho ang mga magulang at yaya ang madalas na kasama ng
anak, napapabayaan na ito? Paano kung mg desisyon ang mg asawa na hanggang dun
na lang ang pagsasama nila. Ibig sabihin ba nito pinabayaan na nila ang anak
nila? Kapag ba wala kang maipangtustos sa mga pangangailangan ng anak mo dahil
sa salat na buhay, pagpapabaya ba itong maituturing?
Ano nga ba ang sukatan ng tamang pag-aaruga sa anak? Nasa ikli ba o
haba ng buhay ng mga ito? Paano kung talagang hanggang duon na lang ang
pinahiram na oras ni Papa Jesus sa kanya?
Paano kung gustuhin mo mang aalagaan sya ay wala ka lang talagang
magawa? Gustuhin mo man siyang ipagamot ay wala ka namang sapat na pera? Na
kung pwede lang syang gumaling sa mga yakap at halik mo ay pinupog mo na sya ng
mga matatamis na halik at mahihigpit na yakap.
Ina rin ako. Ang anak ko, tulad ni Nognog at ng marami pang bata sa
mundo ay may sakit din sa puso. Na tulad ng marami, hindi rin alam kung saang
kamay ng Diyos huhugot ng pera pampagamot sa mga anak nila. Ang daming ina ang
gabi-gabing umiiyak. Hindi alam kung paano ang kinabukasan ng mga anak nila.
May pang gatas pa ba?
Ang daming Nognog sa mundo ang nangangailangan ng medical attention.
Pero hindi na nagagawan ng paraan at maaga na lang silang nawawala sa mundo ng
walang kalaban-laban o walang kamuang-muang.
No comments:
Post a Comment